#NEWSEVENTS #28 FEBRUARY 22, 2019
News & Events
Bumisita nitong Hulyo 28 sa lungsod ang mga magsasakang taga-Eastern Samar para sa isang lakbay-aral sa San Jose City Agro-Enterprise Learning Resource Center (dating FEP Learning Resource Center).
Muling tinignan ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador ang Anggake Dam nitong Sabado, Hulyo 30 para masigurong natapos na ang ginawang backfilling dito.
Muling nagsagawa ng Budget Hearing nitong Hulyo 26 at Hulyo 28 ang Lokal na Pamahalaan para naman sa mga sumusunod na tanggapan:
Hindi lamang mga nanay at chikiting ang aktibong nakibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa lungsod kundi pati mga kalalakihan din sa pamamagitan ng isang seminar na inorganisa ng PopCom na tinawag na ‘KATROPA’ o Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya.
Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ang Buwan ng Nutrisyon nitong ika-28 ng Hulyo kung saan iba’t ibang aktibidad at programa ang isinagawa sa munisipyo sa pangunguna ng City Nutrition Council.
Iginawad sa Sitosan Irrigators Association ng Sinipit Bubon at Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Sto. Nino 3rd ang dalawang Shallow Tube Well (STW) Engine with Pump na mula sa Department of Agriculture.
Sabay-sabay na nanumpa nitong Hulyo 26 ang 383 sumukong illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga at magbabagong buhay na.
Sinimulan nitong Sabado, Hulyo 23 ang una sa tatlong bahagi ng 'Basic Training Course for Responder' na pagsasanay ng RESCUE 3121 bilang paghahanda sa kanila sa pagresponde sa mga kalamidad at sakuna tulad ng sunog, bagyo at baha. Ang unang bahagi ng pagsasanay ay patungkol sa Fire Fighting, Basic First Aid ang ikalawa at Basic Rescue Training ang huli.
Inihayag ni City Administrator Alexander Glen Bautista sa mga iskolar ng lungsod ang magandang balita na ipagpapatuloy pa rin ang Scholarship Program ng Lokal na Pamahalaan sa ginanap na pulong kahapon, Hulyo 25 sa 3/F Conference Room ng City Hall.
Matapos pulungin ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador nitong Hulyo 18 ang mga may-ari ng reaper/harvester sa lungsod para sa planong pagbuo ng kanilang asosasyon, muling nagsama-sama ang naturang grupo noong Hulyo 22 para sa eleksiyon ng mga magsisilbing Board of Directors (BOD).
Muling nagpulong ang mga miyembro ng 47th City Day Celebration Committee nitong Hulyo 22 upang muling pag-usapan ang mga aktibidad at programang isasagawa para sa naturang okasyon. Gaya ng napagplanuhan sa unang pulong ng komite, ipagdiriwang ng dalawang araw ang City Day mula Agosto 9-10.
Pinulong ang mga kabataan nitong Hulyo 21 upang talakayin ang pagbuo at paghalal sa mga bagong Little City Officials na manunungkulan sa Linggo ng Kabataan sa Disyembre.
Ginanap ang unang budget hearing o pagdinig para sa magiging budget sa 2017 ng iba't ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan nitong ika-21 Hulyo sa Office of the City Mayor (OCM) Conference Room.
Isa sa mga tampok na programa para sa pagdiriwang ng 38th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa lungsod ngayong taon ang PWD Got Talent.