#NEWSEVENTS #20 NOVEMBER 21, 2018



News & Events




“Scary” Bikers, Umikot sa Lungsod!
November 02, 2016 02:05 PM

Isang gabi ng katatakutan ang ibinida ng mga SJC Mountain Bikers sa katatapos na Halloween Costume Fun Ride nitong Lunes (October 31).


Mga Produkto ng San Jose, Pasisikatin!
October 28, 2016 04:59 PM

Upang matulungan na tumaas ang kita at makilala ang mga produkto ng maliliit na negosyante sa lungsod, opisyal nang binuksan kanina (Oktubre 28) ang One Town One Product (OTOP) Pasalubong Center at Negosyo Center na matatagpuan sa Cardenas St., Brgy. F.E. Marcos, sa tapat ng Core Gateway College.


Street Food Vendors sa Lungsod, Nag-level-up sa Kalinisan!
October 27, 2016 05:03 PM

Namigay ng mga apron at sumbrero si Mayor Mario O. Salvador at Market Chief Maria Caridad Barlaan sa mga vendors bilang bahagi ng paglalayong maging mas malinis at mas maayos ang mga tindero’t tindera ng street foods sa lungsod. Sa mga susunod na araw ay oobligahin na rin silang magsuot ng hairnet bilang bahagi rin ng pagbabagong bihis-linis ng mga vendors. Ito ang ilan sa mga naganap sa paglulunsad ng Street Foods Caravan at Oath-taking ng Street Food Vendors Association sa Public Market kahapon, Oktubre 26.


Free Eye Checkup for Senior Citizens | 24 October 2016
October 27, 2016 09:06 AM

Sa pinagsanib na pwersa ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at ALAY Foundation, Inc., hinandugan ng libreng eye check-up at assessment ang mga senior citizens ng San Jose noong umaga ng Lunes, ika-24 ng Oktubre na ginanap sa PAG-ASA Gym, F. E. Marcos.


NACOCO Week Celebration
October 26, 2016 06:07 PM

BJMP-San Jose, ipinagdiwang ang NACOCO Week


Awarding of Honorarium to PWD Presidents | 24 Oct. 2016
October 25, 2016 05:40 PM

Nakatanggap ng tig-Php10, 000.00 ang mga presidente ng Persons with Disability (PWD) mula sa 38 barangay sa lungsod na handog ng lokal na pamahalaan para makatulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng nasabing sektor.


National Indigenous People's Month Celebration
October 21, 2016 03:08 PM

Alam ba ninyo na may mga kababayan tayong katutubo sa Lungsod ng San Jose?


Task Force Lawin
October 20, 2016 06:32 PM

Bagama’t walang naging malaking pinsala ang pagdaan ng Bagyong Lawin sa lungsod, nagtuloy-tuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan nitong araw upang agad na maibigay ang pangangailangan ng mga taong bahagyang naapektuhan, gayundin ang pagsasaayos ng mga lugar at paglilinis ng mga kalat na iniwan ng bagyo.


Oplan #KarWin
October 19, 2016 06:41 PM

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ang paghahanda sa Bagyong Lawin ngayong araw, kung saan personal na binisita ni Mayor Kokoy Salvador ang mga daluyan ng tubig na kadalasang binabaha, upang siguraduhin na ito ay maisasaayos mula sa mga pinsalang idinulot ng Bagyong Karen.


SAGIP 3121 - Bagyong Karen
October 16, 2016 07:25 PM

Maagap na nagtulong-tulong ang iba't ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador sa rescue at relief operations na ginawa nitong araw, Oktubre 16, habang nararamdaman ang pinsalang dulot ng bagyong Karen sa iba't ibang lugar dito sa lungsod.


LGU Sportsfest Championship and Awarding Ceremony
October 12, 2016 05:12 PM

Kasabay ng championship at awarding ceremony ng LGU Sportsfest 2016 nitong nakaraang Biyernes (Oktubre 7), nagpagalingan sa pagsayaw at pagkanta ang mga pambato mula sa gray, blue, green, red, at yellow team na hinati mula sa apatnapu’t anim na opisina ng Lokal na Pamahalaan.


First 100 Days of Bagong San Jose
October 12, 2016 11:11 AM

Ibinida ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan na naisakatuparan sa loob ng first 100 days ng kanyang administrasyon nitong Lunes (Oktubre 10) kasunod ng Flag Raising Ceremony sa City Social Circle.


Awarding of Winners of Balik-Matipunong Katawan at Alindog
October 11, 2016 12:51 PM

Pinarangalan na ang mga nagsipagwagi sa anim na buwang programa ng Balik Matipunong Katawan at Alindog na handog ng lokal na pamahalaan bilang paghimok sa mga San Josenian na magkaroon ng malusog na pangangatawan.


Awarding of Certificate of Full Scholarship | 7 October 2016
October 10, 2016 04:37 PM

Personal na iginawad ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador ang certificate of full scholarship sa mga kabataang benepisyaryo ng Abot Alam Program ng Department of Education at ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes, (October 7).


Distribution of Hybrid Seeds | 7 October 2016
October 07, 2016 01:36 PM

Inumpisahan na ng City Agriculture Office ang distribusyon ng tatlong libo at limangdaang sako (3,500) ng subsidized hybrid seeds para sa mga magsasaka sa lungsod na nitong araw (October 6) sa Demo Farm, Malasin.


K Outreach Program sa Brgy. San Agustin
October 06, 2016 04:16 PM

Nabigyan naman ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Brgy. San Agustin matapos dumayo rito ang K Outreach Program noong Oktubre 4-5.


Elderly Week Celebration
October 05, 2016 05:23 PM

Nagpaligsahan sa pagsayaw at pagrampa ang mga lolo at lola sa lungsod sa isinagawang Elderly Week Celebration ngayong araw (Oktubre 5) na may temang “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda”.


"ALL FOR HEALTH TOWARDS HEALTH FOR ALL" (BHW Meeting)
October 04, 2016 03:26 PM

Bilang bahagi ng adbokasiya ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador na mabigyan ng magandang serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan ng San Jose, pinulong ng mga kawani ng City Health Office (CHO) ang mga Barangay Health Worker (BHW) ng lungsod ngayong araw (Oktubre 4).


Awarding of Harvester and Transplanter to City Agriculture Office
October 04, 2016 12:42 PM

Pormal na iginawad ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa City Agriculture Office ang isang Rice Combine Harvester at isang Riding Type Rice Transplanter na mula sa Provincial Agriculture Office.


Inspection of New Laboratory Equipment | 29 September 2016
October 03, 2016 05:28 PM

Personal na bumisita ang butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador sa City Health Office, upang inspeksyunin ang mga bagong laboratory equipment dito gaya ng microscope at iba pang kagamitang pangkalusugan nitong nakaraang Huwebes (Setyembre 30).