#NEWSEVENTS #WELDING MACHINES, IP OCTOBER 17, 2018



Welding machines, ipinagkaloob sa mga mag-aaral ng SMAW

September 27, 2018 04:34 PM


Tinanggap na ng dalawampu’t tatlong (23) mag-aaral ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II ng San Jose City Skills Training Center ang mga welding machine at electrode na mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipag-ugnayan ng Public Employment Service Office (PESO).
Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng negosyong mapagkakakitaan ng mga benepisyaryo.
Sa mensahe ni Entrepreneur Development Trainer Estrella Delara ng DOLE, sinabi niyang sana ay alagaan nilang mabuti ang tinanggap nilang biyaya at maging daan din ito upang mabawasan ang mga unemployed o walang trabaho rito sa lungsod.
Hinikayat naman ni Mayor Kokoy Salvador ang mga mag-aaral na maging matapat sa paghahanap-buhay. Aniya, hindi dapat tipirin at dayain ang serbisyong ibibigay dahil ito ang sekreto sa asensadong negosyo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image