#NEWSEVENTS #PWD SA LUNGSOD, TUMA JUNE 26, 2019



PWD sa lungsod, tumanggap ng tulong pinansiyal

June 04, 2019 04:48 PM


Patuloy ang pagmamalasakit na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga kalungsod nating Persons with Disability (PWD), at kahapon lamang (Hunyo 3) ay tumanggap ang 90 PWD ng isang libong pisong financial assistance.

Iginawad ang naturang tulong pinansiyal sa City Hall Compound kung saan ginanap din ang isang maikling programa. Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda F. Macadangdang para ipaabot ang kanilang pasasalamat at ipahayag ang patuloy nilang pagsuporta sa mga programang para sa PWD.

Ayon naman kay PWD Office Focal Person Christian Nicolas, ang pagbibigay ng ayuda sa mga PWD ay isang regular na programa ng kanilang tanggapan. Nilinaw rin niya na ang mga PWD na lubhang nangangailangan ang tinutulungan ng PWD Office.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image