#NEWSEVENTS #POTABLE WATER SYSTEM FEBRUARY 22, 2019



Potable Water System sa Brgy. Pinili, pinasinayaan

January 09, 2019 05:02 PM


Patuloy pa rin ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa ilalim ng administrasyon ng Punong Lungsod Kokoy Salvador.

Nito lamang Enero 8, pormal na pinasinayaan ang POWAS sa Brgy. Pinili.

Dumalo ang ilang opisyales ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Kokoy at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang.

Nagkaroon din ng ceremonial toss upang opisyal na buksan ang nasabing proyekto na dinaluhan din ng barangay officials ng Pinili at mga residente roon.

Ito ang pang-labingsiyam (19) na POWAS na naisakatuparan na makalipas lamang ang higit isang taon mula nang ito ay simulan.

Ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mga barangay ay lubhang nakatutulong ng malaki sa pangangailangan ng mga mamamayan partikular sa inumin at panggamit sa pagluluto upang makaiwas sa mga sakit.

Marami pang mga barangay ang nakapilang bibiyayaan ng POWAS sa mga susunod na buwan.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image