#NEWSEVENTS #POTABLE WATER SYSTEM NOVEMBER 13, 2018



Potable Water System sa Camanacsacan

August 20, 2018 03:19 PM


Tuloy-tuloy ang pagtupad ng Lokal na Pamahalaan sa pangakong paghahatid ng malinis at naiinom na tubig sa mga lugar na hirap na marating nito.

Nito lamang Agosto 17, Barangay Camanacsacan naman ang tuluyan nang nakinabang sa ginhawang dulot ng proyekto nang pormal nang buksan ang linya ng POWAS sa barangay.

Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang hand-over kasama ang ilang opisyal ng barangay at mga residente sa lugar.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo ng naturang proyekto dahil maliban sa malinis at ligtas na tubig na hatid nito sa kanila, mas mapapabilis at mapapagaan pa ang kanilang gawain sa pang-araw-araw.

Ito na ang ika-sampung Potable Water System na naipatayo ng Lokal na Pamahalaan bilang landmark project ni Mayor Kokoy. Patuloy namang ginagawa ang iba pang POWAS para sa mga barangay na nangangailangan nito.

Ang POWAS ay pamamahalaan ng mga miyembrong benepisyaryo at magbibigay din ng dagdag na kita sa kanila habang natututo silang mamahala ng isang organisasyon para sa komunidad.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image