#NEWSEVENTS #PANIBAGONG PARANGAL, JUNE 17, 2019



Panibagong Parangal, iginawad sa Lungsod

December 17, 2018 04:19 PM


Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador, nakapag-uwi na naman ng panibagong karangalan ang Lungsod San Jose.

Sa mga kategoryang Adolescent Health Development (AHD) at Responsible Parenthood & Family Planning (RPFP), itinanghal na “Best Implementer City in Region 3” ang lungsod sa idinaos na “Philippine Population Management Program (PPMP) Service Excellence Awards 2018” sa Angeles City noong Nobyembre 28.

Dalawa ang nakamit na parangal ng lungsod sa tatlong kategoryang inilahad ng Population Commission – Region 3 office.



Photos

image
image