#NEWSEVENTS #PAGSASANAY UKOL SA B DECEMBER 15, 2018



Pagsasanay ukol sa Barangay Financial Management, isinagawa

November 22, 2018 05:03 PM


Nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng tatlong araw na Seminar-Workshop on Barangay Financial Management upang mabigyan ng kaalaman ang mga opisyal na barangay ukol sa tama at masinop na pamamahala ng pondo ng barangay.

Kabilang sa mga lumahok sa naturang pagsasanay ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad - Committee Chairman on Appropriations, Barangay Treasurers, at Barangay Accounting employees.

Sa pamamagitan ng Barangay Financial Management Seminar-Workshop, naipabatid sa mga barangay official ang mga patakaran at alituntunin na dapat sundin sa barangay accounting.

Naipaunawa rin sa kanila ang kanilang mga tungkulin at pananagutan sa mga pinansiyal na transaksyon at operasyon ng barangay.

Nagsimula ang pagsasanay nitong Nobyembre 20 sa Hotel Francesko at nagtapos ngayong araw, Nobyembre 22.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image