#NEWSEVENTS #PAGDALOY NG POWAS, U FEBRUARY 22, 2019
Pagdaloy ng POWAS, umabot na sa Sinipit Bubon
February 07, 2019 07:58 PM
Ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mga barangay ay nakatutulong nang malaki sa pangangailangan ng mga mamamayan partikular sa inumin at panggamit sa pagluluto upang makaiwas sa mga sakit.
Upang makabitan ng POWAS, kailangan lamang makipag-ugnayan sa tagapangisawa nito sa barangay. Ang tubig na makokonsumo ay mayroon lamang maliit na halagang kabayaran. Ang mga koleksyon ay pamamahalaan din mismo ng asosasyon ng mga benepisyaryo ng proyekto, ang kanilang kita rin ang siyang gagamitin sa pagme-mentina nito.
Ito na ang pang-dalawampu’t isang (21) POWAS na naitayo mula nang ito ay simulan noong 2018. Itinuturing ang POWAS na isa sa pinaka-malawak na proyektong tinututukan ng Lokal na Pamahalaan.
Dumalo rin sa naturang inawgurasyon sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, mga konsehal Wilfredo Munsayac, Trixie Salvador, Niño Laureta, at Atty. Ronald Lee Hortizuela; gayundin si Pastor Ancheta.