#NEWSEVENTS #OSPITAL NG LUNGSOD N JUNE 26, 2019



Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ), binuksan na sa publiko

May 02, 2019 07:30 PM


Matapos ang mahabang proseso para sa mga pormalidad at mga kinakailangang permiso mula sa Department of Health, pormal nang binuksan ang Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) nitong Miyerkules, ika-1 ng Mayo.

Isang taimtim na panalangin at pagbabasbas ang pinangunahan ni Rev. Bishop Roberto C. Mallari. Sinaksihan ito ng mga opisyal ng Sangguniang Panglungsod, mga opisyal mula sa iba’t-ibang barangay, mga kawani, mga mamamayan at ni Mayor Kokoy Salvador at Congw. Mikki S. Violago.

Nagbigay ng maikling mensahe ang Punong Lungsod kung saan binigyang-diin niya na ang ospital ay bukas para sa lahat ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Jose. Nagbigay din ng mensahe si Congw. Mikki S. Violago.

Malaking tulong sa publiko ang OLSJ dahil mas mura ang mga serbisyong pwedeng ihandog sa mga mamamayan at makakatulong ito ng malaki sa mga mahihirap. Matatandaan na masidhi itong tinutukan ng Lokal na Pamahalaan at sa wakas ay naisakatuparan na.

Magiging katuwang ng mga Rural Health Unit ang OLSJ sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga San Josenio. Ang mga karaniwang check-up ay sa nakatalagang Rural Health Unit pa rin dapat gawin, at ang mga dapat na bigyan ng referral para sa mga kaso gaya ng OB-Gyn, Internal Medicine, General Surgery, at General Pediatrics ay maaari nang sa OLSJ dalhin. Halimbawa, ang simpleng sakit ng ulo o sakit ng tiyan ay dapat munang matingnan ng isang “family physician” o “general practictioner” bago dumaan sa mas masusing pagsusuri tulad ng X-Ray, ultrasound, at iba pa sa OLSJ.

Samantala, ang Operating Room (OR)/ Delivery Room ay mabubuksan at magagamit na rin sa lalong madaling panahon. Inaayos lamang ang ilang bagay at sistema rito bago gamitin upang masiguro ang mahusay na serbisyo.

Binigyang linaw rin ni Dr. Chan na ang parmasya ng OLSJ ay para sa mga pasyenteng nasa ospital o napag-serbisyuhan nito.

Sa pagpupursigi ng kasalukuyang administrasyon, naitaas sa Level 1 ang OLSJ. Mayroong 23-bed capacity sa kasalukuyan ang ospital.

Matatagpuan ang OLSJ sa City Health Office compound, na tinatawag ngayong Sentro ng Kalinga.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image