#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 15, 2018



MOA para sa Ospital ng Lungsod San Jose, nilagdaan na

November 23, 2018 04:44 PM


Nilagdaan na nitong umaga ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at Department of Health (DOH) sa pangunguna naman ni Dr. Edwin V. Santiago, Provincial Team Leader ng DOH Nueva Ecija para i-turn over ang sertipiko ng health infrastructure ng Ospital ng Lungsod San Jose (OLSJ).

Inaasahang mag-o-operate na sa susunod na taon ang OLSJ kapag naisaayos na ang lahat ng requirements ng DOH upang mabigyan ng tamang akreditasyon ang ospital.

Isa lamang ito sa mga adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador para sa maayos na kalusugan ng mga San Josenio.



Photos

image
image
image
image
image