#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS OCTOBER 17, 2018



Potable Water System sa Parang Mangga

September 18, 2018 04:47 PM


Walang tigil ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa lungsod upang maabot ng malinis at ligtas na tubig ang malalayong lugar.

Katatapos lamang ng bagyo subalit kahapon, Setyembre 17, isa na namang POWAS ang pinasinayaan.

Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang handover ceremony ng POWAS sa barangay Parang Mangga na sinaksihan ng mga residente at ilang opisyhal ng naturang lugar.

Nagpasalamat ang mga residente rito sa magandang proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ipinaaabot naman ni Mayor Kokoy na asahan ng mga San Josenio ang patuloy na paghahatid ng proyektong ito sa iba pang barangay sa lungsod.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image