#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS JUNE 26, 2019



Kapitan Brillo ng Kaliwanagan, bagong ABC President

July 18, 2018 04:47 PM


Wagi sa botong 23 ang Kapitan ng Kaliwanagan na si Roderick Brillo bilang bagong Pangulo ng “Association of Barangay Captains” sa lungsod kontra sa 15 boto ni kapitan Wilfredo Escudero ng Sto. Niño 3rd.

Naihalal naman ang Kapitan ng Camanacsacan na si Dennis Pascua bilang Pangalawang Pangulo at Auditor naman ang Kapitan ng Abar 2nd na si Jerold Aquino.

Samantala, nailuklok din sa Board of Directors sina Kapitan Librado Dulay ng Abar 1st, Roy Valencia ng Manicla, Gerry Dulatre ng Kita-Kita, Justino Ariem ng Porais, Norberto De Leon ng Bagong Sikat, Teodorico Barlicos ng Tayabo, Wilfredo S. Agonoy ng Tondod at Bernardo Manocdoc ng Caanawan.

Si Brillo ay uupo sa Sangguniang Panlungsod bilang konsehal na kinatawan ng ABC at magiging kapalit ng dating ABC President Rodrigo Mamaed.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang Oath-Taking ng mga nahirang na opisyal ng asosyasyon.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image