#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 12, 2018



SK Officials Oath Taking

May 22, 2018 04:55 PM


Nanumpa na nitong Lunes, May 21, ang unang batch ng mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) Officials mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa isang seremonya na ginanap sa 3rd Floor ng City Hall.

Dumalo sa naturang aktibidad si Mayor Kokoy Salvador na pinangunahan ang panunumpa at para ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga kabataang nahalal.

Maliban dito, tinalakay rin sa pagtitipon ang mga dapat taglayin ng mga SK officials para magampanang mabuti ang kanilang tungkulin at mapamunuan nang maayos ang kanilang mga nasasakupang barangay, nang sa ganoon ay maimpluwensyahan ang kapwa nila mga kabataan sa pagpapalaganap ng kaayusan at magagandang adhikain para sa kanilang ikauunlad.

Kabilang sa mga SK Officials na nanumpa sa araw na iyon ay mula sa barangay A. Pascual, Abar 1st, Abar 2nd, Bagong Sikat, Caanawan, Calaocan, Camanacsacan, Culaylay, Dizol, Kaliwanagan, Kita-kita, Malasin, Manicla at Palestina.

Samantala, tapos nang nanumpa ang iba pang batch ng Sangguniang Kabataan noong Biyernes, May 18 at Sabado, May 19.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image