#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 12, 2018



Bagong Day Care Center sa Tondod, Pinasinayaan

January 31, 2018 01:34 PM


Hindi maitatanggi ang patuloy na pagsuporta ni Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga programang pangkabataan at pang-edukasyon.

Sa katunayan, isa na namang Day Care Center ang pinasinayaan kahapon (Enero 30) sa Sitio San Raymundo, Tondod na sinaksihan ng mga bata at kanilang mga magulang.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy ang Ribbon Cutting kasama si City Social Welfare and Development Officer Lourdes Medina.

Sa mensahe ng Punong Lungsod, binigyang diin niya ang kahalagahan ng edukasyon lalo na sa mga kabataan para sa murang edad pa lamang ay mahubog na sila.

Masaya ring ibinalita ni Mayor na magtatayo rin ng Potable Water System sa lugar na tutulong sa mga residente dito na magkaroon ng mapagkukunan ng malinis na tubig.

Dumalo rin sa inagurasyon ang Kapitan ng naturang barangay na si Ferdinand Arocena at ilang kawani ng City Social Welfare and Development Office.

(Jennylyn Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image