#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS MAY 23, 2019



i?SJC Interactive Fountain, napapanood na

December 18, 2017 04:56 PM


Dinarayo na ngayon ang i?SJC interactive fountain na nasa harap ng City Hall matapos itong opisyal na pasinayaan noong Biyernes (December 15).

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang paglulunsad ng naturang bagong atraksyon sa lungsod.

Natutuwa ang Punong Lungsod kapag nakikita niyang nasisiyahan ang mga dumarayo sa City Social Circle, dahil hindi aniya matatawaran ang naibibigay na ngiti nito sa mga tao. Nakatutuwa rin aniya na makita ang City Social Circle na kilala rin sa tawag na Keg-Keg bilang isang park na pasyalan ng pamilyang San Josenio.

Kaugnay nito, umaasa naman si Mayor Kokoy na makakamit ng San Jose City ang pagkilalang "Christmas Capital of Nueva Ecija", dahil malaki rin ang maidudulot nito sa turismo sa lungsod.

Mapapanood ang interactive fountain mula 6:30 - 7:30 ng gabi, at 8:30 - 9:30 ng gabi.

(Ella Aiza D. Reyes)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image