#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 20, 2018



Mayor Kokoy, nakisaya sa Family &Talent Day sa Tayabo High School

December 08, 2017 04:59 PM


Kasamang nag-enjoy ng mga mag-aaral at kanilang mga kapamilya si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa idinaos na Family & Talent Day sa Tayabo High School kahapon (December 7).

Sa kanyang mensahe, ikwenento ng Punong Lungsod na wala siyang matandaang Family Day noong panahong nag-high school siya, kaya’t pinuri niya ang pagtataguyod ng ganitong programa ng DepEd lalo na at nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na maipakita ang kanilang talento.

Para mas makapagbigay ng saya, naghandog din si Mayor Kokoy ng personal niyang regalo at papremyo para sa mga nanalong nagtanghal sa nasabing programa.

Bukod sa naturang aktibidad, pinasinayaan din doon ang bagong dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan na naipatayo sa tulong ni Congresswoman Mikki Violago at sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at Division Office ng San Jose.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image