#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS MAY 23, 2019



Lungsod ng San Jose, muling nagningning

November 14, 2017 05:40 PM


Nagliwanag at naging makulay ang Lungsod ng San Jose matapos pailawan ang higanteng Christmas tree at mga Christmas lights dito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon.

Di mahulugang karayom ang City Social Circle sa dami ng dumalo upang saksihan ang Lighting Ceremony at maging ang mga kababayan nating nasa iba’t ibang dako ng mundo ay napanood ang programa sa pamamagitan ng Facebook Live.

Tampok ang iba’t ibang talento sa Lighting Ceremony, kabilang ang Scala Chamber Orchestra mula sa University of Santo Tomas, CLSU Maestro Singers, CLSU Student Cultural Society (SCS) at ang mga Pop Idols ng lungsod na sina Mary Jane Novelo (2016) at Marhelzon Gelacio (2014).
Kahanga-hanga naman ang talento sa pagkanta na ipinamalas ni Bb. Evangel Shalom Manugue, na ibinirit ang kantang “O Holy Night” at ang kanyang rendition ng kauna-unahang Christmas jingle ng San Jose na unang narinig noong nakaraang taon, ang “Maligayang Pasko sa Bagong San Jose”.

Nagpasalamat ang butihing Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga San Josenians na nakiisa at nagpakita ng suporta. Sa mensahe ni Mayor, sinabi niyang ang liwanag ng pailaw ng City Hall ay sumisimbolo sa pagmamahalan at pagkakaisa ng mga San Josenians na siyang susi para tumibay ang isang samahan.

Maliban sa ating local media na nagsagawa ng coverage ng Lighting Ceremony, hindi rin pinaligtas ng ABS-CBN at TV48 ang pagkakataon na maitampok ang lungsod sa kanilang balita.

Kasabay nito, pormal ding binuksan ang Christmas Bazaar kung saan iba’t ibang mga paninda ang mabibili. Ang bazaar ay matatagpuan sa Cardenas Street sa tabi ng City Hall at sa Public Market 2nd floor gabi-gabi mula 6 PM hanggang 12 PM.

Magiging tampok naman bukas ang naglalakihan at naggagandahang mga parol na gawa sa recycled materials ng mga estudyante at mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa Lantern Parade na magsisimula sa Shell Malasin patungong Public Market.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image