#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS MAY 20, 2019



K Outreach Program, Muling Umarangkada

October 09, 2017 04:50 PM


Simula ngayong buwan ay nagbabalik ang K Outreach Program sa mga barangay sa lungsod para tumulong at maghatid ng libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan.

Nitong Oktubre 5-6, idinaos sa Brgy. Sto. Tomas ang naturang programa na dinagsa naman ng mga residente roon. Matatandaang sa Sto. Tomas din inilunsad ang kauna-unahang K Outreach Program noong nakaraang taon.

Katulad ng palaging ginagawa ni Mayor Kokoy Salvador, nakisalamuha siya sa mga residente para personal na alamin ang kanilang mga hinaing at pangangailangan para ang mga ito’y matugunan.

Ilan sa mga serbisyong naiabot ng Lokal na Pamahalaan ay libreng reading glasses, seedlings, bigas para sa food for work program, libreng konsultasyon at gamot, buhangin, contraceptives, iodized salt at marami pang iba.

Bilang bahagi ng fitness program ng lungsod, nagkaroon ng Zumba sa Sto. Tomas Elementary School na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral. Patok din ang Boodle Fight kung saan nakasalo ng mga residente ang Punong Lungsod at ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Maliban dito, nagkaroon din ng mga laro na nagpasaya sa mga mamamayan ng Sto. Tomas. Dumalo rin sa naturang programa ang ilang Konsehal ng lungsod na nakisaya at nagbigay rin ng mensahe.

Sa Oktubre 12 at 13 ay tutungo naman sa Caanawan ang K Outreach Program. Magtutuloy-tuloy ang pagbisita ng programa sa iba pang mga barangay para patuloy na magbigay ng libreng serbisyong nakalaan para sa mga mamamayan ng San Jose.
(Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image