#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS APRIL 25, 2019



Mga Chikiting, Tampok sa Little Big Shots Audition

September 13, 2017 03:17 PM


Bumida ang mga kabataan edad 2-12 taon sa awdisyon para sa “Little Big Shots”, isang talent showcase na kasalukyang umeere sa ABS-CBN, noong Setyembre 7 sa City Hall sa pakikipagtulungan ng City Tourism Office sa production unit ng naturang show.

Labing-apat (14) na kalahok ang nagpamalas ng kani-kaniyang talento at angking galing na nagmula di lamang sa lungsod kundi maging sa mga karatig bayan gaya ng Carranglan, Lupao at Bongabon.

Tampok dito ang pagpapakitang gilas sa pagluluto ng isang limang taong gulang na bata.

Galing sa spelling, pagbabasa at pagkilala ng mga car brands naman ang ipinagmalaki ng isang 3 taong gulang.

Ilan pa rito ang inverted dancing, fashionista modelling, declamation, pagpapakilala ng dinosaur collections at marami pang iba.

Layon ng programang ito na suportahan at makilala ang mga batang talentado, at malinang pa ang kanilang talento.

(Rozz Agoyaoy-Rubio)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image