#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 12, 2018



Lungsod ng San Jose, All-Out War sa Dengue

July 24, 2017 06:19 PM


Bilang suporta at pakikiisa ng lungsod sa all-out war against dengue, patuloy na isinasagawa ng Sanitation Division ng City Health Office ang programang ABKD o Aksyon Barangay Kontra Dengue ng DOH.

Kabilang ang clean-up drive, pangungumpiska ng mga gulong, misting at integrated vector surveillance o paghahanap ng mga lugar na maaaring pamugaran ng mga kiti-kiti sa mga aktibidad na nakapaloob sa ABKD.

Kaugnay nito, matatandaang nagsagawa ng anti-Dengue Drive sa Brigada Eskwela ang mga pampublikong paaralan para sa malinis at ligtas na paaralan bago magbukas ang klase ngayong taon.

Sa ngayon ay tinututukan naman ng CHO Sanitation ang mga pribadong paaralan sa lungsod kung saan mahigit 13 private schools na ang naikutan.

Ayon kay Sanitation Inspector John Eric Dizon, ito ay paraan ng maagap na pag-iwas sa panganib na dulot ng Dengue kung kaya’t buong taon itong isinasagawa ng kanilang tanggapan katuwang ang Pilipinas Shell, opisyal ng mga barangay at DepEd.

Ito ay bahagi pa rin ng adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na Kalinisan at Kalusugan para sa lahat ng mamamayan ng lungsod.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image