#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS JANUARY 19, 2019



Public School Principals, pinulong ni Mayor Kokoy

June 14, 2017 02:48 PM


Pinulong sa unang pagkakataon ni Mayor Mario Kokoy O. Salvador ang lahat ng punong-guro ng pampublikong paaralan ng lungsod kahapon upang makilala ang mga ito at mapag-usapan ang mga nais nilang idulog sa lokal na pamahalaan.
Ginanap ang pulong sa Conference Room ng San Jose City Hall kahapon (June 13) kung saan masayang binati ni Mayor Kokoy ang mga punong-guro at ipinahayag ang kanyang kagalakan na makilala sila.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga principal na ilahad ang mga pangangailangan nila sa kanilang nasasakupang paaralan.
Karamihan sa mga hinaing nila ay ang kakulangan ng classrooms, kawalan ng drainage na isa sa sanhi ng pagbaha, bakod, at sira-sirang kisame.
Nangako naman si Mayor Kokoy na laging nakasuporta ang lokal na pamahalaan pagdating sa mga usaping pang-edukasyon.
Kaugnay nito, hiniling ni Schools Division Superintendent Teresa D. Mababa na sila’y magkaroon ng taunang pagpupulong kasama ang punong lungsod.
-Aldritch Pioquinto



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image