#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS APRIL 19, 2019



Bamboo, nakipagrakrakan sa mga San Josenians

April 23, 2017 10:13 PM


Naging napakataas ng enerhiya ng ikatlong gabi ng Pagibang Damara Festival dahil sa matagumpay na concert ng pop-rock star at The Voice Philippines mentor na si Bamboo.

Dinumog ito ng mga San Josenian na nais makipagrakrakan at makita sa personal ang sikat na singer.

Unang awit pa lamang ni Bamboo ay naghiyawan na ang mga tao, dahilan para lalong sumigla ang kanyang pagtatanghal.

Ilan sa mga inawit ni Bamboo ay ang kanyang hit songs na Pinoy Ako, Himala, Tatsulok.

Nagpasalamat naman ang singer sa suporta at mainit na pagtanggap na ipinakita ng mga San Josenians.

Nagpapasalamat din siya kay Punong lungsod Kokoy Salvador at Congresswoman Mikki Violago na siyang major sponsor ng concert.

(Ella Aiza D. Reyes)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image