#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 20, 2018



5 motorsiklo iginawad sa PNP San Jose

April 11, 2017 02:34 PM


Iprinisinta ng PNP San Jose ang 5 motorsiklo na ibinigay sa kanila ng San Jose City Chamber of Commerce and Industry na ginanap kahapon (April 10) sa flag raising ceremony.

Umaasa ang naturang organisasyon na magagamit ang mga sasakyan para sa mas mabilis na pagresponde ng mga pulis sa anumang insidenteng mangyayari sa lungsod.

Kaugnay nito nagpasalamat naman ang PNP San Jose sa pangunguna ni Police Inspector Genaro Divina kung saan sinabi niyang magiging malaki ang tulong ng mga ibinigay na motrosiklo sa kanila lalo na sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang pagpunta sa iba’t ibang lugar, at sa agarang pagresponde sa mga insidente.

-Ella Aiza D. Reyes



Photos

image
image
image
image
image
image
image