#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 20, 2018



Ikalawang batch ng LGU scholars, nakatanggap na ng alawans

February 24, 2017 01:35 PM


Tumanggap na ng alawans ang 33 na kabilang sa ikalawang batch ng iskolar ng bayan nitong Lunes (Pebrero 20) sa Conference ng City Hall.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Kokoy Salvador, sinabi niyang mapalad ang kanilang batch dahil nadagdagan na ang kanilang matatanggap na financial assistance mula sa dating PHP5,000 ngayon ay PHP7,000 na.

Nilinaw rin ng Punong Lungsod na ang dagdag ayuda na PHP2,000 ay hindi mismo galing sa kaniyang bulsa kundi galing sa kaban ng bayan na nararapat lamang magamit sa tama at kapaki-pakinabang na proyekto.

Ipinaalala rin ni Mayor Kokoy na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magagandang grado na siya namang magagamit nila sa paghahanap ng kanilang trabaho.

Nagpasalamat naman ang mga kabataan sa suportang natatanggap nila sa Lokal ng Pamahalaan.

Pinangunahan ni CHRMO staff Leo Astrero ang naturang pamamahagi ng alawans.

-Ella Aiza D. Reyes



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image