#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 15, 2018



Business One Stop Shop sa lungsod nagpapatuloy

January 09, 2017 04:35 PM


Patuloy pa rin ang isinasagawang Business One Stop Shop (BOSS) para matulungan ang mga negosyanteng mapabilis ang proseso ng pag-a-aplay at pag-re-renew ng kanilang business at mayor's permit para sa taong 2017.

Hindi na kailangan pang pumunta sa mga tanggapan at iba pang ahensiya ng gobyerno dahil sa Business One Stop Shop nasa iisang lugar na lamang ang mga kailangang nilang papeles at dokumento.

Isinagawa ang BOSS sa City Hall ground na nagsimula pa noong Enero 4 at magtatagal hanggang sa Enero 20.
-Ella Aiza D. Reyes