#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS SEPTEMBER 19, 2018



Mayor Kokoy, dumalo sa Area-Based Management Summit

December 15, 2016 12:03 PM


Bilang pakikiisa sa mga programang pang-kalikasan, dumalo nitong ika-14 ng Disyembre si Punong lungsod Mario “Kokoy” Salvador, sa isinagawang Area-Based Management Summit sa Clarkfield, Pampanga.

Ito ang kauna-unahang Area-Based Management o ABM Summit na may temang “Synergy of Central Luzon Leaders Envisioning a Cleaner Manila Bay”,na naglalayong ibalik ang dating ganda at linis ng Manila Bay.

Nakasentro ang Area-Based approach sa mga major intervention kada river system na konektado sa Manila Bay kagaya ng Pampanga River Basin, Marilao-Meycauayan-Obando River System, at Talisay River.

Sakop naman ng Manila Bay area sa Gitnang Luzon ang 96 bayan at lungsod sa mga lalawigan ng Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, at Tarlac.

Ayon kay Mayor Kokoy, suportado nya ang mga programang pang-kalikasan dahil ito aniya ang paraaan sa pagkakaroon ng isang malinis at maunlad at na pamayanan.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga Mayors, Governors, Head of Agencies ng buong Region III at sama-samang pumirma sa isang Memorandum of agreement for Water Quality Monitoring Equipment.
- Ella Aiza D. Reyes



Photos

image
image
image