#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 15, 2018



World AIDS Day, ginunita sa lungsod

December 05, 2016 05:28 PM


Aktibong nakiisa nitong Huwebes (Desyembre 1) ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa isinagawang Seminar and Lecture patungkol sa HIV bilang bahagi ng paggunita ng World Aids Day sa taong ito.

Ibinahagi dito ni Doktora Rizza Esguerra kung ano ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome at HIV o Human Immunodeficiency Virus, pati na rin ang history ng HIV, papaano ito nakukuha at maiiwasan, at mga available treatments para dito.

Layunin nito na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa ganitong sakit dahil ang HIV umano ay one of the fastest growing cases sa buong mundo at ito’y wala pang lunas. Kabilang sa kaalaman na ito ay ang paglaban sa stigma na ikinakabit sa mga taong HIV positive.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng parada na dinaluhan hindi lamang ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan kundi pati na rin ng mga miyembro ng TODA at iba pang organisasyon sa lungsod suot ang itim na t-shirt na may nakasulat na “Love Yourself Hands Up for #HIVPrevention”.

Maliban dito, bumuo rin sila ng human ribbon gamit ang hawak nilang mga pulang lobo na sumisimbolo sa pagpapakita ng pagsuporta sa paglaban sa AIDS.

Ito’y isa pa rin sa magagandang layunin ni Mayor Kokoy Salvador na mapanatiling ligtas at mabigyan ng maayos at magandang serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan ng San Jose.

Nagpasalamat naman si City Health Officer Doktora Marisa Bunao sa mga tumugon sa imbitasyon ng kanilang opisina at inaasahan niya ang kanilang pakikiisa sa paglaban sa AIDS. (Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image