#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 15, 2018



Oplan Kaluluwa, nagpatuloy pa rin kahit tapos na ang Undas

November 03, 2016 05:13 PM


Bagamat tapos na ang paggunita ng Undas, mistulang tuloy pa rin ang Oplan Kaluluwa ng Lokal na Pamahalaan dahil sa maagap na paglilinis ng mga street sweepers sa mga sementeryo sa lungsod.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na “Sa Bagong San Jose, Lahat ng Mamamayan ay may K”, kung saan ang K ay kumakatawan sa Kalinisan sa pagkakataong ito.

Kaugnay nito, naging mapayapa naman sa kabuuan ang paggunita ng Undas sa kabila ng pagdagsa ng tao sa sementeryo, batay sa pagtataya ng PNP San Jose City.
Ayon sa report ng PNP, naging ‘generally peaceful’ at naging maayos ang sitwasyon sa iba’t ibang sementeryo dahil sa pagtutulungan ng kapulisan, kasundaluhan at lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Salvador.

Malaking tulong din aniya sa pagluwag ng daloy ng trapiko ang ipinatupad na re-routing.

Sa direktiba naman ni Mayor Kokoy Salvador, mayroon ding mga booth ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan na nandoon gaya ng medical team at public assistance desk para sa agarang aksyon sa mga mamamayang nangailangan ng tulong. Maging ang Mobile Kitchen ng lungsod ay nagpamigay ng pagkain at tubig sa mga taong dumaraan.

Bukod sa isang ale na nahimatay na agad namang nabigyan ng lunas, mga bote ng alak na nakumpiska, at lalaking nahulihan ng patalim, wala nang anumang insidenteng naitala ang PNP sa naturang araw.

Nagpasalamat naman si San Jose City PNP Chief Reynaldo dela Cruz sa lahat ng volunteers na tumulong upang maging mapayapa at maayos ang paggunita ng Undas sa lungsod. (Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image