#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS APRIL 25, 2019



Free Eye Checkup for Senior Citizens | 24 October 2016

October 27, 2016 09:06 AM


Sa pinagsanib na pwersa ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at ALAY Foundation, Inc., hinandugan ng libreng eye check-up at assessment ang mga senior citizens ng San Jose noong umaga ng Lunes, ika-24 ng Oktubre na ginanap sa PAG-ASA Gym, F. E. Marcos.

Sa pangunguna nina G. Juanito Corpuz (OSCA President) at Dr. Jose “Guy” Sobrepena (ALAY), inanyayahan ng OSCA at ALAY Foundation ang KAPAMPANGAN DEVELOPMENT FOUNDATION, Inc., upang isagawa ang naturang aktibidad. Ang mga senior citizens na magpopositibo sa Katarata at Ptyregium (mas kilala sa tawag na “pugita”) ay bibigyan ng schedule para sa operasyon at gamutan sa Bacolor, Pampanga kung saan nakabase ang Kapampangan Development Foundation, Inc.

Pinamunuan nina Dr. Joel Carreon at Dra. Anita Carreon ang delegasyon na nagmula sa Pampanga sa pagcheck-up ng 150 senior citizens. Kasama sa mga tumulong sina Dr. Welma Nieva, Francisco Nieva Jr., Ma. Trixia Duncan, Jocelyn Panganiban, at Asst. Nurse Andre Quiroz.

Ang naganap na libreng konsultasyon sa mata ay magpapatuloy sa mga susunod pang buwan upang mabigyang tulong ang iba pang senior citizens.
(Melody Bartolome)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image