#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS OCTOBER 17, 2018



Awarding of Honorarium to PWD Presidents | 24 Oct. 2016

October 25, 2016 05:40 PM


Nakatanggap ng tig-Php10, 000.00 ang mga presidente ng Persons with Disability (PWD) mula sa 38 barangay sa lungsod na handog ng lokal na pamahalaan para makatulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng nasabing sektor.

Dumalo sa naturang pagtitipon si City Administrator Alexander Glen Bautista bilang kinatawan ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador para igawad ang honorarium at para ibahagi sa kanila ang magandang balita.

Masayang ipinaalam ni Ginoong Bautista na nakahanda na at napirmahan na ng Punong Lungsod ang mga aktibidad para sa mga PWD ngayong last quarter.

Ilan sa mga ito ang Php200,000.00 na budget para sa mga gagamiting materyales ng patahian na nasa PWD Office na ilan lamang sa maraming livelihood programs na nakalaan para sa kanila, educational assistance para sa mga PWD students, medical assistance, agri-business program gaya ng vermi-culture at nursery seedling production, at iba pa.

Nagpasalamat naman ang mga PWD na sa kabila ng kanilang kapansanan ay unti-unting natutupad ang kanilang mga pangarap sa tulong ng lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na pagsuporta sa mga programang PWD.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image