#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS DECEMBER 12, 2018



Liga ng mga Barangay Meeting | 13 Sept. 2016

September 14, 2016 02:02 PM


Para sa maigting na kampanya kontra droga ng PNP at kontra dengue ng DOH, pinulong ang mga Kapitan ng bawat barangay sa lungsod upang magtulong-tulong para masolusyunan ang mga ito.

Tinalakay ni SJC PNP Chief Reynaldo dela Cruz ang isyu sa droga, bilang ng mga sumuko sa Oplan Tokhang, mga programa ng lokal na pamahalaan at PNP para sa kanila gaya ng programang pang-edukasyon at pangkabuhayan, at reformation program gaya ng spiritual recovery lecture at physical activities.

Hiningi naman ni Dela Cruz ang patuloy na pagtulong at pagsuporta ng mga Kapitan ng bawat barangay sa pagsugpo sa droga.

Tinalakay naman ni Sanitation Inspector II John Eric Dizon kasama ang mga kinatawan ng Provincial Health Office ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod, at hinihikayat sila na pangunahan ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga lugar at tanggalin ang mga maaaring pamugaran o pangitlugan ng mga lamok para makaiwas sa dengue.



Photos

image
image
image
image
image
image