#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS JANUARY 19, 2019



Meeting of Mayor Kokoy with CSWDO and PWDs re: NDPR Week

July 18, 2016 10:01 AM


Aktibong nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa 38th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR Week) na ipinagdiriwang mula Hulyo 17-23. May tema ito ngayong taon na: “Karapatan ng may Kapansanan, Isakatuparan, Now na!”.
Bilang paghahanda rito ay nagpulong nitong ika-13 ng Hulyo ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at mga PWD tungkol sa gaganaping selebrasyon, mga programa at aktibidad gaya ng photo exhibit, dama, basketball, chess, bunong braso, at PWD Got Talent final round.
Dumalo sa pagtitipon si Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador para pakita ang kanyang suporta sa mga PWD. Ayon kay Mayor Kokoy, ipagpapatuloy nya ang mga programang pangkabuhayan para sa mga PWD at nangakong susuportahan ang iba pang mga programa para sa ikauunlad ng nasabing sektor.
Gaganapin ngayong araw na ito (Hulyo 18) ang opening program ng NDPR Week Celebration sa lungsod.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image