#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS JUNE 26, 2019



Introduction of the new City Mayor, City Officials, and EAs

July 12, 2016 11:32 AM


Ipinakilala sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang bagong Punong Lungsod ng San Jose na si Kgg. Mario “Kokoy”O. Salvador, kasama ang mga Executive Assistants (EAs), at mga nahalal na Konsehal nitong ika-4 ng Hulyo sa Flag Raising Ceremony sa City Social Circle.
Ito rin ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony na dinaluhan ni Mayor Salvador, kung saan malugod din niyang ipinakilala ang kanyang maybahay, apat na anak, at kanyang butihing ina.
Sa mensahe ng bagong Punong Lungsod, hinikayat niya ang lahat na magkaisa bilang isang pamilya o isang tahanan. Ayon kay Mayor Salvador, ang kanyang opisina ay laging bukas, madali siyang lapitan, at madali ring kausapin lalo na kung totoo ang pag-uusapan.
Hiniling din ni Mayor Salvador na sana lahat ay makiisa sa magandang pamamalakad ng ating Pamahalaang Lokal.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image