#NEWSEVENTS #K-OUTREACH, NAKI-FIE APRIL 25, 2019



K-Outreach, naki-fiesta sa Brgy. Porais at Malasin

April 03, 2019 05:07 PM


Nakisaya ang buong caravan ng K-Outreach Program sa Porais nitong Marso 28 at sa Malasin nitong Marso 29 kasabay ng kanilang barangay fiesta upang handugan ng mga libreng serbisyo ang mga residente.

Labis na kasiyahan ang nadama ng mga mamamayan sa pagdayo ng programang ito sa kanilang lugar, kung saan namahagi ng mga gamot, bitamina, bakuna, bigas, groceries, salamin sa mata at seedlings.

Mayroon din para sa mga alagang hayop, tulong para sa mga senior citizen, pagrerehistro, storytelling para sa mga bata, massage therapy, gupit, libreng serbisyong medikal at dental, at marami pang iba.

Hindi lamang mga sangay ng lokal na pamahalaan ang naghatid ng serbisyo kundi pati ang ilang samahan gaya ng LGBT San Jose City Association, at maging ang Philippine Army.

Lalong sumaya ang programa nang dumating si Mayor Kokoy Salvador kasama ang ilang konsehal mula sa Sangguniang Panglungsod.

Buong suporta naman ang ibinigay ng mga kapitan ng dalawang barangay at tulad ng nakagawian, sabay-sabay na pinagsaluhan ang isang boodle fight bago matapos ang programa.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image