#NEWSEVENTS #K-OUTREACH, NAGHATID FEBRUARY 22, 2019



K-Outreach, naghatid ng saya at serbisyo sa Brgy Sto. Niño 1st

January 18, 2019 09:13 PM


Upang lalong pasayahin ang fiesta ng Brgy. Sto. Nino 1st, nagtungo nitong umaga, ika-18 ng Enero, sa lumang covered court ng barangay ang K-Outreach Program at naghatid ng mga libreng serbisyo sa mga mamamayan.

Umarangkada ang mga ahensya ng Lokal na Pamahalaan sa nabanggit na barangay upang magbigay ng mga serbisyo gaya ng libreng konsultasyon sa medical at dental, pagbibigay ng mga payong-legal, pamumudmod ng mga salamin sa mata, bigas, groceries at seedlings, pagbabakuna sa mga alagang aso, pagrerehistro, pag-agapay sa mga senior citizens, pagbibigay ng mga gamot, bitamina at contraceptives, at marami pang iba.

Mas sumaya ang programa nang dumating si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at ilang mga opisyales ng Sangguniang Panglungsod. Nagbigay ang bawat isa ng kani-kaniyang mensahe na karaniwang napapatungkol sa tuloy-tuloy na pag-asenso sa lungsod.

Nagkaroon din ng mga masasayang palaro na pinangunahan ni Kag. Roy Andres. Sumunod naman ang isang maganang boodle fight na pinagsaluhan ng lahat bago matapos ang pagtitipon. Mainit naman ang pagtanggap na ipinamalas ni Kapitan Roderick L. at ng kaniyang mga kagawad sa buong grupo ng K-Outreach. (Ramil D. Rosete)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image