#NEWSEVENTS #K-OUTREACH PROGRAM S FEBRUARY 22, 2019



K-Outreach Program sa Brgy. R. Eugenio

February 04, 2019 05:52 PM


Lubos ang kasiyahan ng mga mamamayan sa Brgy. R. Eugenio matapos itong dayuhin ng K-Outreach program sa kanilang lugar nitong ika-1 ng Pebrero upang handugan ng sari-saring libreng serbisyo.

Dumayo roon ang mga ahensya ng Lokal na Pamahalaan para mamigay at maghandog ng mga serbisyo gaya ng libreng konsultasyong medikal at dental, pagbibigay ng mga payong-legal, pamumudmod ng mga salamin sa mata, bigas, groceries at seedlings, pagbabakuna sa mga alagang aso, pagrerehistro, pag-agapay sa mga senior citizens, pagbibigay ng mga gamot, bitamina at contraceptives, at marami pang iba.

Dumating si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod Wilfredo Munsayac, Atty. Ronald Hortizuela, Patrixie Salvador at Roy Andres upang personal na tumulong sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga taga-barangay. Nakibahagi rin sa naturang programa sina dating konsehal Gerald Ignacio at Pastor Ricardo Ancheta .

Gaya ng malimit gawin, nagkaroon ng masayang salo-salo ang mga bisita, opisyales, at mga mamamayan bago magtapos ang programa. Nakisalo din ang mga barangay officials sa pangunguna ni Kapitan Ma. Criselda C. Soriano.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image