#NEWSEVENTS #K-OUTREACH PROGRAM S NOVEMBER 13, 2018



K-Outreach Program sa Brgy. Bagong Sikat, Dinumog

August 31, 2018 04:24 PM


Nagpaulan ng saya ang sikat at tinatangkiik na K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy.Bagong Sikat noong ika-17 ng Agosto, 2018.

Dumagsa ang maraming tao upang tumanggap ng iba’t-ibang serbisyo at tulong mula sa mga pangunahing sangay ng Lokal Na Pamahalaan.

Pangunahing serbisyong naibagahi sa mga nakiisang mamamayan ay ang pagbibigay ng gamot, check-up sa may mga sakit gaya ng hypertension, pamamahagi ng contraceptives at pagpapayo ukol sa family planning, pagbibigay ng seedlings ng sari-saring puno at pananim; physical therapy at gupit; pakaing handog ng Kusina Ng Bayan; pamumudmod ng mga reading glasses, bigas at groceries; serbisyo legal; pagpoproseso ng mga mahahalagang dokumento gaya ng cedula at birth/marriage certificates at lisensya; tulong patungkol sa employment, serbisyo para sa senior citizens at Persons With Disability; pagsusuri sa mga sanggol at mga bata; dental services; at pagbibigay impormasyon tungkol sa pabahay.

Bago makasalo ang mga dumalong taga-barangay sa isang boodle fight, sinabi ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na lubos siyang nagagalak sa patuloy nilang pakikiisa sa kanyang mga programa. Nangako din siya na mas pagbubutihin pa niya ang pagbibigay ng mga serbisyo-publikong tiyak na mapapakinabangan ng mga San Josenio.

Nagbigay din ng mensahe sina Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang, mga Kagawad Trixie Salvador, Niño Laureta, Atty. Ronald Lee Hortaleza, Victoria Adawag, Roy Andres, at Wilfredo Munsayac.

Magiliw naman ang ipinakitang pagtanggap ni Kapitan Norberto De Leon sa mga bisita.

(Ramil D. Rosete)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image