#NEWSEVENTS #K OUTREACH SA SAN RO DECEMBER 12, 2018



K Outreach sa San Roque, Abar 1st, isinagawa

October 04, 2018 05:13 PM


Wala na talagang papantay sa marubdob na pagbibigay-serbisyo ng K Outreach Program para sa mga mamamayan, kaya’t dalawang barangay ang dadayuhin sa linggong ito.

Nitong Miyerkules, ika-3 ng Oktubre, isinagawa ito sa covered court ng San Roque Street, Abar 1st na dinumog ng mga residente.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador kasama ng ilang opisyales ng Lokal na Pamahalaan ang naturang programa. Nagbigay rin sila ng mahahalagang mensahe sa mga dumalo.

Kagaya ng ginawa sa mga nauna nang barangay, nagbigay ng serbisyo at kagamitan ang iba’t ibang sangay ng Pamahalaang Lungsod. Ilan dito ang paghahandog ng salamin sa mata, konsultasyon sa kalusugan, pagbibigay ng gamot, contraceptives, seedlings, at bakuna sa mga alagang aso, pagpapayo tungkol sa pabahay, at family planning. Idagdag din ang pamimigay ng taripa, pagtulong sa pagrerehistro, pamimigay ng bigas at groceries, pagtulong sa mga senior citizen, gupit at masahe, at napakarami pang ibang libreng serbisyo.
Masaya ring pinagsaluhan ng mga bisita, opisyales, at mga residente ang inihandang boodle fight.
Nagpamalas naman ng suporta at mainit na pagtanggap si Kapitan Librado D. Dulay, gayundin ang iba pang barangay official ng Abar 1st sa masayang programang ito sa kanilang lugar.
Dadayo naman ang K Outreach sa Villa Joson sa darating na Biyernes, Oktubre 5.

(Ramil D. Rosete)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image