#NEWSEVENTS #K OUTREACH SA BRGY. APRIL 25, 2019



K Outreach sa Brgy. Pinili

March 15, 2019 05:15 PM


Nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan ang mga residente ng Pinili sa ginanap na K Outreach Program doon kaninang umaga (Marso 15).

Sa pamamagitan ng programa ay naaabutan ang mga mamamayan ng libreng serbisyong medikal at dental, mga gamot, bitamina, bakuna, bigas, groceries, at seedlings. Mayroon ding para sa mga alagang hayop, tulong para sa mga senior citizen, pagrerehistro, massage therapy, at marami pang iba.

Aktibo ring nakiisa sa programa ang LGBT San Jose City Association at naghandog ng libreng gupit, kung saan isa mismo sa kanilang ginupitan si Mayor Kokoy Salvador.

Dumalo rin si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, kasama ang ilang konsehal ng Sangguniang Panlungsod.

Masaya namang pinagsaluhan ng lahat ang masarap na boodle fight matapos ang programa.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image