#NEWSEVENTS #K OUTREACH PROGRAM, DECEMBER 15, 2018



K Outreach Program, nagbigay saya sa Brgy. Dizol

October 17, 2018 11:21 AM


Todo-todo ang arangkada ng K Outreach sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Nitong ika-12 ng Oktubre, dinala ang programa sa Brgy. Dizol upang magbigay kasiyahan sa mga mamamayan doon.
Gaya ng inaasahan, naghatid ito ng samu’t saring serbisyo at mga kagamitang kapaki-pakinabang sa mga tao. Lahat ng ito ay libre gaya ng gamot, dental at medical services, bigas, groceries, salamin sa mata, contraceptives, paggabay sa mga senior citizen, PWD, gupit, massage therapy, at marami pang iba.
Nakadaupang palad din ng mga residente at nakasalo sa boodle fight si Mayor Kokoy Salvador. Dumalo rin sa programa sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at mga konsehal.
Marubdob naman ang pakikiisa ng mga sangay ng Lokal na Pamahalaan sa isinagawang aktibidad.
Ngayong araw na ito (Oktubre 17) ay sa Villa Ramos naman naghatid ng saya at mga serbisyo ang K Outreach.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image