#NEWSEVENTS #DOLE, NAGBIGAY NG 20 NOVEMBER 13, 2018



DOLE, nagbigay ng 200K para sa lungsod

September 05, 2018 05:42 PM


Nakatanggap ang San Jose City Training Center ng dalawang daang libong piso mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang ayuda para sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II.

Gagamitin ang nasabing halaga para sa pagbili ng kagamitan gaya ng 23 units ng YAMATO welding machine at 23 kilo ng electrode, na mapapakinabangan naman ng dalawampu’t tatlong (23) mag-aaral ng SMAW.

Ayon kay Supervising Labor Employment Officer Zenaida Barangan, taon-taon ay nakakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose ng grant mula sa DOLE, at ngayong taon ay ilalaan ang pondo para sa SMAW Course.

Kaugnay nito, magbibigay rin ng limampung libong piso ang LGU bilang counterpart sa bigay na pondo ng DOLE.



Photos

image
image