#NEWSEVENTS #CITY DAY BABIES, NAK SEPTEMBER 19, 2018



City Day Babies, nakatanggap ng regalo mula sa LGU

August 29, 2018 11:35 AM


Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang anim na sanggol na isinilang sa mismong araw ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day upang handugan ng regalo.

Tinawag na "City Day Babies" ang mga sanggol na sina baby John Laurence Natan, baby John Marco Octavo, baby Athena Faith Nicolas, baby Reggie Cabuling, baby El Dianezza Pablo at baby Earl John Claud Matute na ipinanganak noong Agosto 10.

Apat sa kanila ay isinilang sa San Jose City General Hospital at ang dalawa naman ay sa CHO Panganakan ng San Jose.

Niregaluhan ang mga sanggol ng baby starter kit gaya ng duyan, comforter, kulambo, baby bath tub, bonnet, at iba pa.

Maliban dito, libre na rin ang pagpaparehistro ng kanilang kapanganakan at nabigyan din sila ng cash incentive.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nanay ng City Day Babies sa sorpresang handog sa kanila ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ng City Population Office at katuwang ang Local Civil Registry Office.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image