#NEWSEVENTS #CHRISTMAS PARTY NG D JANUARY 19, 2019



Christmas Party ng Day Care, dinagsa

December 18, 2018 03:28 PM


Labis ang kasiyahan ng mga chikiting mula sa Day Care centers nitong umaga, ika-18 ng Disyembre, matapos ganapin ang Day Care Children’s Christmas Festival sa Pag-Asa Sports Complex kasama ang kanilang mga magulang at guro.

Bilang pambungad sa programa, nagbigay ng paunang pananalita si Mrs. Lourdes S. Medina, City Social Welfare and Development Officer. Sinundan naman ito ng ilang intermission numbers na lalong nagpasaya sa okasyon.

Nagkaroon ng parada ng mga musa at ng kanilang konsorte mula sa day care centers ng 38 barangays sa lungsod. Bukod dito, may ginanap ding exchange gift, mascot at magic show upang lalo pang pakiligin ang mga chikiting. Nagpakitang-gilas din sa pamamagitan ng sayaw ang mga participants mula sa iba’t ibang cluster.

Dumalo sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Macadangdang-Felimon upang bigyang-kasiyahan ang okasyon.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image