#NEWSEVENTS #CAANAWAN HIGH SCHOOL APRIL 25, 2019



Caanawan High School, may bagong ‘K Building’

March 01, 2019 04:51 PM


Maganda ang naging simula ng buwan ng Marso para sa Caanawan High School (CHS) matapos pasinayaan ngayong araw (Marso 1) ang bagong dalawang palapag na gusali rito na may apat na silid-aralan.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang ribbon-cutting ceremony kasama si CHS Principal Marcos Vizon, habang si Rev. Fr. Getty Ferrer naman ang nanguna sa pagbabasbas ng bagong gusali. Naroon din sina City Councilors Amang Munsayac, Roy Andres, Trixie Salvador, at dating Konsehal Gerard Ignacio.

Tinawag itong ‘K Building’ na ayon kay Mayor Kokoy ay nangangahulugang ‘karunungan’ ang letrang K.

Inanunsiyo rin dito ng Punong Lungsod ang kanyang planong magkaroon ng kolehiyo sa San Jose at kung sakali ay itatayo ito sa Brgy. Sto. Tomas.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image