#NEWSEVENTS MAY 20, 2019



POWAS, umagos na sa Barangay Porais at San Juan

May 09, 2019 04:37 PM


Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Mayo 8, dalawang Potable Water System o POWAS ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Barangay Porais at San Juan.

Isa sa mga pinakamalaking proyekto ng Lokal na Pamahalaan ang POWAS na naglalayong mabigyan ng malinis at sapat na supply ng tubig ang mga mamamayan.

Kaugnay nito, tiniyak ni JE Dizon, Section Chief ng City Health Office-Sanitation Division na dumaan sa masusing pagsusuri ang tubig na dumadaloy sa POWAS at ito ay ligtas na inumin.

Pinangunahan naman ni Mayor Kokoy Salvador ang pagpapasinaya ng naturang proyekto, gayundin ang panunumpa ng mga opisyales ng asosasyon na mamamahala sa POWAS ng mga naturang barangay.

Dumalo rin sa inagurasyon sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, ilang konsehal at opisyales ng lungsod, barangay, at mga residente.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image