#NEWSEVENTS MAY 23, 2019



Senior High School students, sumalang sa Career Guidance

March 13, 2019 05:20 PM


Sumalang ang mahigit limangdaang kabataan (537) sa Career Guidance and Employment Coaching na ginanap sa Covered Court, Josephine Village nito lamang March 13.

Iba’t ibang kaalaman tungkol sa pagkilatis sa karerang tatahakin ang napulot ng mga Grade 12 students ng San Jose City National High School mula kay Dr. Shirley R. Pajarillo na nagsilbing tagapanayam.

Layon ng programang ito na imulat at gabayan ang mga kabataan sa pagpili ng kursong kukuhanin sa pagtuntong sa kolehiyo.

Saklaw din ng talakayan ang labor education kung saan inihayag ang mga kaalaman at karapatan bilang empleyado at itinaas rin ang kamalayan ng mga future leaders tungkol sa anti-illegal recruitment.

Buo naman ang suporta ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na dumalo sa naturang programa na pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO).



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image