#NEWSEVENTS MARCH 25, 2019



K-Outreach sa Brgy. Culaylay, matagumpay

March 05, 2019 04:30 PM


Bilang pampabuwenas na pasimula sa buwan ng Marso, namayagpag ang K-Outreach Program nitong Biyernes (Marso 1) sa Brgy. Culaylay upang maghandog ng serbisyo-publiko.

Dinumog ng mga residente ang patok na programang ito kung saan sari-saring mga libreng serbisyo ang kanilang natanggap gaya ng bigas, groceries, seedlings, salamin sa mata, mga bitamina at gamot.

Bukod dito, nagkaroon din ng medical at dental check-up, vaccination para sa mga alagang aso, massage therapy, reading and story-telling para sa mga bata, serbisyo para sa mga senior citizen, pagrerehistro, assistance para sa licensing at franchising, at legal assistance.

Mas naging matingkad ang programa nang dumating sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Macadangdang-Felimon at ilang opisyales ng Sangguniang Panlungsod na sina Trixie Salvador, Roy Andres, Wilfredo Munsayac, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.

Natuwa naman ang mga tao nang banggitin ni Mayor Kokoy na tututukan niya ang pagpapagawa ng solar power sa barangay upang makatulong nang malaki sa kanilang pangangailangan partikular sa agrikultura.

Binanggit din ng Punong Lungsod na isusulong niya ang pagbibigay ng karampatang allowance para sa mga opisyal ng Pambansang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan (PPSK).

Magiliw naman ang ipinamalas na pagsuporta ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Danilo DG. Simon at nagsalo-salo sa boodle fight ang lahat ng dumalo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image