#NEWSEVENTS MARCH 25, 2019



K-Outreach sa Brgy. San Juan

February 20, 2019 12:00 AM


Tuwang-tuwa ang mga mamamayan sa Brgy. San Juan nang dayuhin ito ng K-Outreach Program nitong ika-14 ng Pebrero upang handugan ng sari-saring libreng serbisyo.

Nataon namang Araw Ng Mga Puso kaya buong pagmamahal na naghandog ang mga ahensya ng Lokal na Pamahalaan ng samut-saring serbisyo gaya ng libreng konsultasyong medikal at dental, pagbibigay ng mga payong-legal, pamamahagi ng mga salamin sa mata, bigas, groceries at seedlings, pagbabakuna sa mga alagang aso, pagrerehistro, pag-agapay sa mga senior citizens, pagbibigay ng mga gamot, bitamina at contraceptives, at marami pang iba.

Buong pwersa namang nakisaya ang grupo nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod na sina Wilfredo Munsayac, Atty. Ronald Hortizuela, Patrixie Salvador, Nino Laureta, Pastor Ancheta, Gerald Ignacio at Roy Andres. Nagbigay ang bawat isa ng maiksing talumpati na lalong nagpatingkad sa okasyon.

Nagkaroon naman ng boodle fight matapos ang programa. Ang mga opisyales, bisista at mga tagaroon ay masayang nagsalo-salo. Mainit ang pagtanggap ng mga barangay officials sa isinagawang aktibidad sa pangunguna ni Kapitan Virgilio B. Santiago.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image