#NEWSEVENTS FEBRUARY 22, 2019



K-Outreach sa Brgy. Canuto Ramos

February 08, 2019 05:58 PM


Labis na kasiyahan ang nadama ng mamamayan ng Brgy. Canuto Ramos nitong umaga, ika-8 Pebrero, matapos itong dayuhin ng K-Outreach program at nag hatid ng mga libreng serbisyo na ginanap sakanilang Barangay Hall.

Katulad pa din sa mga nakaraang barangay na dinayo ng programa, patuloy na nagpamigay ang Lokal na Pamhalaan ng libreng mga gamot, bitamina, bigas, groceries, conraceptives, salamin sa mata, seedlings, pag bibigay ng payong-legal, pag rerehistro, pag-agapay sa mga senior citizens at bakuna sa mga alagang aso. Dagdag pa dito nagkaroon din ng libreng konsultasyon sa medical, dental at marami pang iba.

Lalong sumaya ang programa ng dumating si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang kasama pa ang ibang opisyales ng Sangguniang Panglungsod. Nagbigay ng mensahe sina Konsehal Wilfredo Munsayac, Niño Laureta at Roy Andres sa mga mamamayang dumalo patungkol sa patuloy na pag-asenso ng lungsod at walang sawang pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayan. Dumalo rin si Pastor Ancheta sa K-Outreach.

Tulad ng nakagawian, nagkaroon ng masayang salo-salo ang lahat sa isang boodle fight bago matapos ang programa.
Labis na suporta naman ang ipanikita ni Kapit



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image